sa sobrang incoherent ko, nakalimutan kong lagyan ng title
weee.. masaya ako kasi nakarecite (twice) ako kanina sa filipino class. nitong mga nakaraang linggo kasi kinakabahan ako dahil nakadalawang F na ako (both short quizzes in essay form). yung una, acceptable kasi mali naman talaga yung sagot ko. o mali yung pagkakasagot ko. pero yung pangalawa kasi parang may sense naman yung sagot ko kaya nagtataka ako kung bakit F ang binigay sakin. pwede namang D .tsk! kaya ayun, galit ako dun sa substitute teacher (although yung major reason dahil nga dun sa bulagaang pagsusulit. pero hindi mismo yung pagkalabit ko ng gatilyo, more on dun sa pagpahiram niya ng book. hindi ko alam kung ano talaga yung nafeel ko nung time na yun basta na-OUCH ako. buwahaha..)
anyway, dumating na galing US yung talagang teacher namin sa fil. ako lang yata ang natuwa. sinasabi ng blockmates ko, ngayon lang daw to. kapag may ginawa yung teacher na hindi ko nagustuhan e magiging katulad din to nung dati. oh well. at least ngayon hindi pa so nanamnamin ko muna itong feeling na to. haha.. ang labo.
pero hindi naman to devoted dun sa fil teacher ko. tungkol to sa kawalan ko ng prioritizing-ness. haha.
iniisip ko kung saan ko ippost tong entry na to. kasi in case you dont know, tatlo na blogsites ko. hindi ko naman kina-career. ganito kasi yun. itong friendster talaga ang original. tapos nung summer, parang kailangan ko kasi ng multiply tapos naisipan kong maglagay ng blog dun. tapos yung third required sa english (yeah i know, since when pa naging HW ang blog. err.) kaya ayun. dito ko nalang nilagay sa friendster since yung blockmates ko andun sa multiply at ayokong mabasa nila to tapos yung sa lj naman, well pang english yun so hindi pwede.
sorry lang a kung masyadong malayo akong lumundag. haha. ok so you dont get it. nevermind. humiram ako ng libro kay yvone. naisip ko kasi na ang pangit ng lifestyle ko. bob ong books yung pinahiram niya. yung bakit baliktad, stainless longga, and ang fave book ni hudas. sinimulan ko sa bakit baliktad kaya lang ang boring, hindi ko matapos tapos. pinadala ko kay mama yung bourne identity (big fan ni robert ludlum si papa, meron yata si papa ng almost all of ludlum’s books so kung balak niyong humiram, just contact me.. haha.. of course may bayad!) i actually like bourne identity, napanood ko na yung movie. so ayun, binasa ko siya kaya lang (yeah, palaging may kaya) hindi ko matapos kasi nga masyado akong distracted. so itinabi ko muna yung book. then came veronika decides to die, i read it, bored, picked it up again, read a few chapters, bored! tsk! itinabi ko rin siya (magsama kayo ni bourne). tapos may naghihintay pang the alchemist, the rest of bob ong books, chuck palahniuk.. err.. life of pi. garcia-marquez. haruki murakami. tsk! Harry Potter 7 will have to wait. im avoiding spoilers. haha.
there are times na gusto kong basahin lahat ng books sa bahay. haha. pero mahirap. super! dapat nga bookworm ako kasi since childhood, books yung regalo ni papa saming magkakapatid. haha. unang librong nabasa ko, the treasure island. andami ko nang nabasang classic nung bata pa ako (kasi bumili si papa and mama ng mga congested?! books. basta yung parang ginawang friendly sa mga kids) pero walang gamit kasi hindi naman nagsstay sa utak ko. so ayun. yun lang actually yung ikkuwento ko.
P.S. haha. long test namin kanina sa math. ok lang. as usual, maraming mistakes. tapos may aftermath (haha..pun?).. parang one hour pinag-uusapan namin kung gaano kami katanga. mga ganun. ako nagutom (kasi after ng math lunch), so bumili ako ng banana cue (na walang kinalaman na sa story). ah ok. yung story pala tungkol dun sa substitute for one day. haha.. kasi yung math teacher namin, ewan kung saan pumunta, basta may humalili muna sa kanya. sayang nga one meeting lang. haha. anyway, lalaki kasi. tapos uhm, mga early twenties ganun. tapos mas enjoy siyang magturo kasi parang excited na nakakatuwa. ang boring kasi ni ms math teacher kasi parang ang systematic niyang magturo. basta yun. oo nga pala, dun sa sub, hindi ko natanong course niya, kasi galing ateneo rin daw siya.. hehe. so you know. he actually asked kung may kilala ba kaming patrick eche-something. uhm. yun. pero issue: feeling ko bading siya. kasi parang nakakiskis yung kilay niya tapos may kulay pa hair niya. wala lang. tapos minsan parang tumataas kilay niya. hahaha. pero hindi siya bading. haha. at hindi rin bading si MJ! tsk! at ngayon ko lang napansin, hindi ko pala nakuha name nung math substitute. hay naku! wala na..
oh well, parang ako lang ang nakakagets ng mga sinusulat ko. bahala kayo sa buhay niyo. kung gusto niyo lang maging "rich and live life the way it should be" then go on. haha. basta ako, pangarap kong maging…
pahabol na naman sana: ooh may gadd. i have this crush i saw in RMT (place with lots of computers and a very strict annoying guard). magkaharap kami nun (actually, magkaharap nga pero malayo. haha.) tapos akala ko hanggang dun nalang yun. then one time (ooh may gadd!!) nakita ko siya ulit! haha. tapos tiningnan ko ID niya, mahagilap ko lang kung ano yung kulay, weee.. 1st year din siya.
and after that malimit (malimit is often right?) ko na siyang makita. kagaya kanina, nakasalubong ko siya. nagmamadali na ako kasi male-late na ako sa math (nalate nga ako) tapos nawawala na poise ko kasi nga nagmamadali ako at ang gulo ng mga tao tapos natanaw ko siya. parang nakalimutan ko nang panandalian ang long test tapos nag-ayos ako (dinaanan ko lang yung hair ko. messy kasi yung hair ko lagi so ayun). haha.. after nun, takbo lakad na naman ako. haayy..
last na pahabol: i like this song (or these songs). flyleaf’s penholder tsaka number one gun’s pretend and regrets of a photograph. yung sa number one gun, lagi ko kasi siyang naririnig sa kotse ng blockmate ko. haha. "you pretend that you’re lovely, you pretend that you love me".. haha. hindi naman ako nakakarelate kaya lang lagi ko nga siyang napakikinggan kaya parang nag-stuck siya sa mind ko. haha. i actually like most of number one gun’s songs at tsaka flyleaf nalang din. sa ngayon, yan lang muna ang pinapatugtog ko sa iTunes (kasi Ahira, mag iTunes ka na!) tsaka Fallout Boy nalang din, nagrready para sa concert. haha. i love ‘Where is Your Boy Tonight’. nae-LSS ako sa song na yan. sa mismong line lang na yan. alam mo yun, kung matutulog na ako kinakanta ko sa isipan ko, ‘where is your boy tonight.. *hums’ tapos paulit ulit yan. ganyan lang. idk the rest of the lyrics kaya yun lang, ‘where is you boy tonight’..